* 915AM more or less- darating na ko ng opisina. Ang tao lang sa floor si Rica R (at admin). Minsan nandyan na rin si Pam lalo na kung naghahabol sha ng Ops.
* Malapit na mag ten, tapos na mag timpla ng kape si Rica o si Ting. Yung huling cup laging para kay Pia Tan pero minsan nakakalimutan niya kunin sa pantry hanggang pwede na pang iced coffee yung kape niya.
* Mga 11AM mag yym na si Wayne ng tipong "kararating ko lang" o di kaya "di ako nagising". Minsan may kasama pang "patay ako kay Trisha."
* Pag Martes, araw ng Lechon Kawali. Andaming kumakain sa pantry na kawali yung ulam.
* Pag Martes kawali ang pagkain ko. Tsaka si Wayne kaso nagka high blood na sha.
* Pag Lunes andaming pagkain sa pantry.
* Yung blackcurrant na fox's tinatago ko kasi yun yung paborito ni oscar. Binibigay ko sa kanya pag nagyoyosi na sha.
* Yung piattos na roadhouse bbq paborito rin ni oscar nagtatago ako nun sa pedestal ko.
* Yung desk ko nakaharap sa pantry (haha)
* Seatmate ko si Louie tapos nung minsan, nagpustahan kami at nagtago sa mesa namin pag dating ni Dobbin. Nung tinanong ako ni Dobbin sabi ko "my ballpen fell."
* Si Cholo may nakabitin na Spiderman toy sa office niya.
* Pag Thursday socials na... tapos panalo nanaman yung Globe. Kasi shempre ayoko malamangan.
* Pag sale na sa Mango sarado muna ang tindahan, taralets bagets.
* One week bago mag sale inaaraw araw na ni Rica pag tawag sa Mango para siguradong una niyang malalaman ang sale.
* Andami dami dami kong trabaho. 3PM na ko nakakapag tanghalian.
* Every two weeks, akin yung feedback. Babasahin ko nanaman ang mga pagmumumura ng mga subs.
* 6 9 12 3 6 9 12 -- yan ang mga oras na darating yung phone stats.
* mga bandang 3PM mgyoyosi na si wayne tapos magyym kami:
a. oscar: likod?
eden: sige.
a. oscar: banyo lang ko tas baba na.
eden: sige.
* Biyernes na 5PM tapos wala pa yung content ko, tapos kukulitin ko si Anton.
* Si Saichi na yung katabi ko tapos lagi na akong may episodes. O Kay sarap ng buhay. haha
* Si Cholo at si Glenn nagpupustahan sa weight loss nila.
* Minsan may email si Rica "lunch out tomorrow. Don't bring baon."
* Yung baon ni Rica sobrang liit.
* Minsan may baon na snack si Rica tapos nagsheshare sha sakin.
* Pag ubos na baon ni Rica saka hihingi si Pia, tapos sasabihin niya selfish si Rica. hahaha
* Si Lio tinuruan kaming kumain ng Pancit Canton with Cheez Wiz. Masarap talaga, try niyo.
* Si Anton minsan nagluto ng French Toast. Free breakfast yey.
* Pag Biyernes uwi akong Katipunan.
* Minsan sumasabay ako kay Roch papuntang Katipunan -- thanks Roch =)
* Pag pasko, holy week, etc.... Network Freeze.
* Pag may promo, may DTI, may Draw.
* Pag Lunes, andaming Stats.
* Pag American Idol, tigil muna ang trabaho.
* Pag game ng La Salle, may meeting si Cholo sa Cubao.
* Pag Huwebes (huwebes nga ba to?) may meeting kasama si Dobbin at Stan.
* Tuwing Miyerkules upload day.
* Pag may bulk upload sa WAP, hating gabi na nasa opisina parin ako.
* Minsan, dadaan muna ng Cena.
* Si Chris ang bilis mamula sa Cena.
* Yung mga teammates ko nagpapakasal na. =) [note: Kelan kaya si Louie at Pam?]
* Si Pam pinagkakaisahan namin at inaapi. (bwahahaha evil laughter)
* Si Dindo inaapi rin ni Pia Tan. hahaha
* Si Rica kasama ko mag milo at mag Mr. Donut.
* Tanghali na mag yym si wayne ng "lunch?"
* Yung snacks ng team naka ipon sa gitna ni Rica, Pia, Roch at Sharon.
* Kung may galing ng Greenbelt, nagpapabili lahat ng Jamaican Pattie.
* Kung may galing ng Enterprise, nagpapabili lahat ng Holy Kettle Corn.
* Rica habang kumakain ng Holy Kettle Corn "I think may drugs to.. kasi ang sarap."
* Cholo habang kumakain ng Holy Kettle Corn "Kileg!"
* Pag may tuna gagawa kami ni rica ng... ano pa nga ba eh di Tuna Sandwich.
* Andami kong tiny toys sa CPU ko.
* Malaki yung gym bag ko. Nakatago yun sa ilalim ng desk ko.
* Minsan nagkakagulo na pala yung team sa pinag uusapan nila tas di ko namalayan kasi naka earphones ako. At nakatalikod ako sa kanila.
* Minsan si pam ganun din. Tapos tinatapunan sha ni Pia Tan ng toys para magulat.
* Minsan sabado pero kailangan ko pumasok kasi hindi ako natapos nung Biyernes.
* End of the month na, titingnan na namin kung abot kami sa targets.
* Marso, Hunyo, Setyembre, Disyembre = Ang mga mahahalagang buwan kung san titingnan namin kung abot kami sa quarter bonus.
* Nag Go-Kart kami nung ma promote si Chris at Roch.
* Kumanta ako sa IG n naka costume at naka big hair (pero ntalo ako ni P***) tapos panalo ako. haha
* Nag Circles kami nung ma MVP si Chris.
* Minsan galing ng Malaysia si Cholo, VNC yung pasalubong namin 3 pares kada isa huwaw san ka pa?
* Di kami aabot sa targets kaya mag dodouble push kami. hahahaha loko lang to. =p
* Tinitingnan namin sa friendster yung mga itsura ng BMAP na kausap namin.
* Nikki, Sarah, at ang pinakamagaling na si Jay... yan ang mga kausap namin.
* Nag Bora kami ang saya. =)
...
andami pa... hanggang sa susunod na kabanata.
edit: para sa kaalaman ng lahat, ang apelido ni art-oscar ay yaptinchay. hahaha *peace* -nicole.
4 comments:
nice mahusay sa mga detalye.
*tas pag nasa katipunan ako kumakain kami ni RJ ng 6 donuts each
omg eden THIS IS SO FUNNY! =))
Eden!!! Na-miss kita lalo. Hatinggabi na at nagtatrabaho pa rin ako (what's new), pero tawang-tawa ako dito! I miss those days na sabay-sabay natin inaapi si P** hahahaha! Hanggang ngayon si Rica pa rin ang pinapatimpla ko ng kape ko kasi pag ako, iba lasa eh. Pero hindi ko na sya nalilimutan, ayokong masigawan ni Rica eh. Hahahahaha! I miss you pa rin :( Bisita ka ulit ng Manila!
Post a Comment